MANILA, Philippines – Wala umanong katotohanan na magreretiro na ang superstar player na ito sa paglalaro sa PBA.
Kahit mismo ang team owner ng koponan ay nagsalita na at sinabing walang dahilan para magretiro ang kanilang franchise player.
Ayon sa ating insider, may plano talaga umanong iwanan ng 4-time MVP ang paglalaro ng basketball dahil sa injury dahilan para hindi nito matapos ang huling conference.
Balita rin na target nitong pumalaot sa pulitika bilang konsehal ng San Juan City .
Pero nagulat ang marami at kasama ang player na nagbabalik-ensayo sa Pampanga para sa muling pagbubukas ng 46th Season ng PBA, Philippine Cup. Magaling na rin ang iniinda nitong ankle injury.
Hehehe..wala pa umano sa isip ng player ang pagreretiro dahil binigyan niya ng palugit ang kanyang sarili ng isang taon pa para sa kanyang basketball career .HULA WHOOPS? Dwayne Rituel
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento