Product registration cert dapat makuha muna ng Pfizer bago ang COVID-19 vaccine full approval

MANILA, Philippines – Bago ang lubusang aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ng Pfizer, kailangang makakuha muna ng product registration certification para rito.

Ito ang sinabi ni FDA director general Eric Domingo.

Kamakailan, pinagkalooban na ng US FDA ang Pfizer COVID vaccine ng full approval.

Ito ang kauna-unahang bakuna na nabigyan ng nasabing pahintulot.

Sa Pilipinas, emergency use authorization pa lamang ang ginagawad sa Pfizer at iba pang mga brand na mayroong suplay ang bansa. RNT/ELM


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento