Home quarantine COVID patients sakop na ng PhilHealth package

MANILA, Philippines – Makakasama na sa PhilHealth COVID-19 package ang mga pasyenteng kwalipikadong magpagaling sa bahay o mag-home quarantine.

Sinabi ng PhilHealth na para mabayaran ang kanilang mga gastos sa pagpapagaling sa COVID ay dapat pumasa ang isang pasyente sa ‘social and clinical criteria’ na itinakda para sa home quarantine.

Tiyak na makasasama rito ang mga pasyenteng my mild at asymptomatic sa COVID-19, ayon ito sa PhilHealth circular 2021-0014 o ang COVID-19 Home Isolation Package (CHIBP) na naka-post sa social media.

“This PhilHealth circular shall apply to all claims for home isolation services filled by accredited PhilHealth isolation facilities, infirmaries, hospitals and Konsulta providers who have accomplished the necessary documentary requirements to provide the CHIBP,” ayon sa state insurer.

Paglilinaw ng PhilHealth na ang nasabing package ay mapagbibigyan lang sa mga accredited na pasilidad sa mga lugar na may surge sa COVID-19 na tutukuyin ng inter-agency task force on COVID-19 (IATF).

Maari namang magsumite ng aplikasyon ang mga pasilidad hanggang Disyembre 2021. Ang mga pasyenteng sasailalim sa CHIBP ay dapat nakatira rin sa high-risk area.

Narito ang mga serbisyong sakop ng CHIBP:

“Patients shall shoulder payment for services not included in the package,” paglilinaw ng PhilHealth. RNT


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento