MANILA – Inatras ng korte sa Maynila ang kasong cyber-libel laban kay Rappler CEO Maria Ressa kasama ang isa sa kanyang mga mamamahayag na si Rambo Talabong na sumulat ng artikulong tungkol sa di umano’y panunuhol ng mga estudyante sa isang unibersidad upang makapasa sa kanilang thesis.
Ayon sa konseho nina Ressa at Talabong na si Theodore Te, nagsumite ng affidavit of desistance ang nagsampa ng kaso na si Ariel Pineda sa Manila Regional Trial Court Branch 24 nitong Martes, nangangahulugang hindi na niya balak pang ituloy ang kaso.
“Mr. Pineda stated that the filing of the case arose out of a misappreciation of facts and that he was no longer interested in pursuing the case against both Mr. Talabong and Ms. Ressa,” pahayag ni Te nitong Huwebes.
“That the case was even filed against both Mr. Talabong and Ms. Ressa at the level of the investigating prosecutor however spotlights the danger to press freedom and freedom of expression that criminal cyber libel poses.” dagdag pa nito.
Ayon kay Ressa nagbigay ito ng pansamantalang pagkalubag sa kanyang kalooban.
“Another criminal case against me and our reporter has been dropped. It’s a temporary relief, but the ongoing campaign of harassment and intimidation against me and Rappler continues,” tugon ni Ressa.
Inakusahan ng prosekusyon sina Ressa at Talabong na sinisira ang reputasyon ng De La Salle-College of Saint Benilde (CSB) matapos isulat ang balita noong Enero 2020 na tumatanggap ang thesis coordinator ng unibersidad na si Ariel Pineda ng P20,000 suhol mula sa mga estudyante para maipasa ang kanilang thesis.
Hindi tumugon si Pineda sa paulit-ulit na kahilingan at paghingi ng Rappler sa kanyang panig tungkol sa naturang alegasyon.
Sinabi rin ni Te na maaaring ito na ang panahon upang suriing mabuti ang mga detalyeng nakasaad sa Cybercrime Protection Act.
“Perhaps it may be time to consider seriously taking a second look at the Cybercrime Protection Act of 2012 particularly its provisions on cyber libel as a crime,” aniya.
Sa kabilang banda, isang kaso pa ang kinaharap ni Ressa noong nakaraang taon matapos naman ang balita ng Rappler tungkol sa di umano’y pagkakasangkot ng negosyanteng si Wilfredo Keng sa mga ilegal na aktibidad noong 2012.
Sa kasong ito, nadiin kasama ni Ressa ang mamamahayag na si Reynaldo Santos, Jr. na siyang sumulat ng naturang balita, ang tugon ng korte, bibigyang-konsiderasyon ang desisyon ng trial court at bibigyang-pagkakataon ang mga nasasakdal na umalma sa Court of Appeals.
Gayunpaman, inatras na rin ni Keng ang kasong ito laban kanila Ressa at Santos nitong buwan ng Mayo. -RNT/Ethel Mangao -trainee
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento