28,000 anyos na cave lion cub natagpuan sa ilalim ng Siberian Arctic

ARCTIC – Natagpuan sa ilalim ng Siberian Arctic ang isang frozen cave lion cub na 28,000 taon ng nananatili rito.
Nababalot ng putik ang balahibo ng Siberian Simba ngunit hindi pa ito nasisira, gayundin ang ngipin, balat, soft tissues, at mga laman loob nito ay mummified ngunit hindi pa naaalis sa kinalalagyan nito.
Matalas pa rin ang mga kuko nito at sa katunaya’y nakasugat pa nito ang isa sa mga scientists na pinag-aaralan ang specimen ng cub.
Pinangalanan ang Siberian Simba na ‘Sparta’ na isa sa dalawang baby cave lions na natagpuan – ang mga ito ay uri ng extinct big cats na nadiskubre noong 2017 at 2018 ng mga mammoth tusk hunter na gumagala sa Semyuelyakh River sa silangang Russia – ang isa’y tinawag na ‘Boris’.
Natagpuan si Borris, 15 metro o 49 talampakan mula sa pinanggagalingan ni Sparta, ayon pa sa mga siyentipiko, 15,000 taon ang agwat ng edad ng dalawang ito, tinatayang 43,448 taong gulang na ang katawan ni Boris.
“Sparta is probably the best preserved Ice Age animal ever found, and is more or less undamaged apart from the fur being a bit ruffled. She even had the whiskers preserved. Boris is a bit more damaged, but still pretty good,” pahayag ni Love Dalen, propesor ng evolutionary genetics sa Centre for Palaeogenetics ng Stockholm, Sweden, at ang may-akda sa bagong pag-aaral tungkol sa cubs.
Batay sa pag-aaral, isa hanggang dalawang taon pa lamang ang dalawang cubs nang pumanaw ito, hindi tiyak ang dahilan ng kanilang pagkamatay ngunit walang marka na pinatay ang mga ito ng predator.
Gayunpaman, nakakita ng pagkasira sa kanilang bungo at dislokasyon ng kanilang ribs maging iba pang parte ng kanilang mga buto.
“Given their preservation they must have been buried very quickly. So maybe they died in a mudslide, or fell into a crack in the permafrost…Permafrost forms large cracks due to seasonal thawing and freezing,” tugon ni Dalen.
Noong panahon ng huling ice age, tinukoy na kasama ng mga cave lion ang mga hayop gaya ng mammoth, tundra wolves, mga oso, woolly rhinoceroses, bison at saiga antelopes.
Hindi pa natutukoy kung paano nabuhay ang mga cave lion sa matataas na latitude, mabilis na pagpapalit ng mga panahon, malalakas na hangin at matinding taglamig.
Susuriin pa ng mga siyentipiko ang mga detalye sa labi ng cave lion cubs para sa maaaring infectious diseases na meron ito tulad ng anthrax. -RNT/Ethel Mangao -trainee
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento