Philippines news
UK nag-aalala sa dangerous acts vs PH vessels sa S. China Sea envoy

MANILA, Philippines- Naghayag ng pagkabahala ang United Kingdom (UK) sa sinasabing “dangerous conduct” laban sa Filipino vessels sa South China Sea.
Ang pahayag na ito ni British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils ay reaksyon sa ginawang pagharang ng China Coast Guard ship sa Philippine Coast Guard vessel BRP Malapascua noong Abril 23 sa Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal) sa Spratly Islands, naging dahilan ng muntik-muntikanan ng banggaan ng magkabilang panig.
“The UK is concerned by continued reports of dangerous conduct towards Filipino vessels in the South China Sea,”ayon kay Beaufils sa kanyang tweet.
Sinabi pa niya na nananatiling committed ang UK sa international law, partikular na sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), sa South China Sea.
Para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nabanggit na nya sa Chinese government ang “near crash incident” ng Philippine at China vessels.” Kris Jose
UK nag-aalala sa ‘dangerous’ acts vs PH vessels sa S. China Sea – envoy
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
UK nag-aalala sa ‘dangerous’ acts vs PH vessels sa S. China Sea – envoy
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento