Full NAIA electrical system audit sinisilip ng DOTr

MANILA, Philippines- Tinitingnan ng Department of Transportation  ang buong audit ng electrical system sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng nangyaring power outage  Lunes ng umaga, May 1 na nakaapekto sa  mahigit 9,000 pasahero mula sa humigit-kumulang 50 flight.

Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na pinaplano rin nilang isama ang NAIA Terminals 1 at 2 sa audit na layong matukoy ang pagiging worthiness ng buong sistema, tukuyin kung ano ang kailangang palitan at sa huli ay tiyakin na ang electric system ay hindi na mauulit sa hinaharap.

“This is something that is already being discussed by our technical people and we will do this as soon as possible,” sabi ni  Bautista sa isang press briefing.

Aniya ang buong audit ay kinakailangan ng malaking pondo at ito ay sasailalim sa normal procurement process.

Sinabi ni Bautista na ang full electric system audit para sa Terminal 3 ay nangangailangan ng 60 hanggang 90 araw at ito ay inaasahang tatagal kung ang dalawa pang abalang NAIA terminal ay isasama.

Sa panig naman ng Meralco, nangako na tutulong para sa buong audit .

Sinabi ng mga technical team mula sa MIAA at Meralco na nagsasagawa na sila ngayon ng imbestigasyon para matukoy ang dahilan sa likod ng pagkawala ng kuryente.

Ngunit sa inisyal na pagsusuri,  sinabi ng engineer ng Meralco na si Noel Espiritu sa mga mamamahayag sa press briefing na nagsimula ito nang isara ng fault indication system ng main circuit breaker ang system matapos matukoy ang mga abnormalidad sa daloy ng kuryente sa loob ng NAIA Terminal 3 electrical system.

Naibalik ang suplay ng kuryente sa NAIA terminal 3 alas-8:45 ng umaga. Naapektuhan ng pangyayari ang kabuuang 9,391 pasahero ng Cebu Pacific na ang flight at patungo at pabalik ng NAIA Terminal 3 ito man ay kanselado o delayed.

Gayunman, sinabi ni MIAA General Manager Cesar Chiong, na hindi nila isasara ang runways ng Terminal 3 upang bigyan daan para sa  recovery flights ng apektadong airlines. Jocelyn Tabangcura-Domenden



Full NAIA electrical system audit, sinisilip ng DOTr
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento