National COVID-19 positivity rate pumalo na sa 8.8%

MANILA, Philippines – Pumalo na sa 8.8 percent ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa nitong Abril 20, ayon sa OCTA Research Group base sa pag-aanalisa sa datos ng Department of Health (DOH).

Sa kaniyang Twitter post, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nasa 8.4% naman ang positivity rate ng Metro Manila.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa antas ng mga nagpopositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng mga sumailalim sa pagsusuri laban sa naturang sakit.

Ang threshold o pamantayan na itinakda ng World Health Organization (WHO) ay nasa 5% lamang.

Sa datos ng DOH, 530 ang iniulat na bagong kaso nitong Huwebes at isa ang nasawi na nasa National Capital Region. May 1,441 recoveries at may 7,340 na aktibong kaso sa bansa.

Nasa 185 ang natukoy sa Metro Manila sa mga bagong kaso, 33 sa Davao del Sur, at 27 sa Cebu.

Inaasahan naman na aabot sa pagitan ng 500-600 ang maitatalang kaso nitong Biyernes.

Sinabi ni David na maraming lugar na ang nagsisimula nang tumaas ang positivity rate tulad ng Cebu.

Ayon kay David, tatlong beses umanong tumaas ang positivity rate mula Hunyo hanggang Disyembre 2022 at pinakamataas ang 20%.

“The 8.8 percent now is not that high but it doesn’t mean we should be complacent. It is not a cause for alarm,” sabi pa ni David at nagpaalala na dapat hindi magpabaya ang publiko.

Binanggit din niya na ang helath community ay nakabantay na rin sa bagong COVID-19 variant na Arcturus, na sanhi ng panibagong surge ng COVID-19 sa India.

Mga bata at teenager naman ang pinakamaraming apektado sa nasabing variant habang ilang pasyente ang nagpapakita ng ‘conjunctivitis’ o ‘pink eye’. Jocelyn Tabangcura-Domenden



National COVID-19 positivity rate pumalo na sa 8.8%
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento