Unang pasyente ng Arcturus variant ng COVID, nakarekober na

MANILA, Philippines – Nakarekober na ang kauna-unahang kaso ng XBB.1.16 o Arcturus subvariant ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

“The detected XBB.1.16 case in Iloilo Province was asymptomatic and has already recovered,” saad ng DOH.

Ayon sa DOH, ang Arcturus o XBB.1.16 ay isang lineage ng XBB, mas kumbinasyon ng dalawang BA.2 lineages ng Omicron na sinasabing nagdulot ng pagtaas ng mga kaso ng sakit sa India at Indonesia.

Bagamat sinasabing may abilidad itong umiwas sa immunity at mas nakakahawa ang XBB.1.16, hindi naman ito nagdudulot ng malubhang pagkakasakit.

“Based on the latest risk assessment by the World Health Organization (WHO) last April 17, 2023, no changes in severity have been reported in countries where XBB.1.16. are reported to be circulating,” ayon sa DOH.

Sa ngayon ay hindi pa kinukumpirma ng WHO ang sinasabing dagdag na mga sintomas tulad ng ‘sticky eyes’ at conjunctivitis.

Sa kabila ng bahagyang pagtaas ng ‘bed occupancy’ sa India at Indonesia, mas mababa pa rin ang lebel nito kumpara sa epekto ng mga naunang variants.

Kumalat na rin umano sa 33 bansa ang Arcturus na itinalaga ng WHO noong nakaraang linggo na ‘variant of interest.’ Jocelyn Tabangcura-Domenden



Unang pasyente ng Arcturus variant ng COVID, nakarekober na
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento