DOH kay PBBM: Sapilitang face mask ‘wag na ibalik
DOH kay PBBM: Sapilitang face mask wag na ibalik

MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Department of Health kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na huwag nang ibalik ang “mandatory wearing of face mask” sa gitna ng pagsirit ng bagong kaso ng COVID-19.
Sa press briefing, sinabi ni health OIC Maria Rosario Vergeire na ang kamakailang pagtaas ng COVID-19 case ay hindi isinasalin sa mas Malala at kritikal na kaso o kahit na pagkamatay.
Sinabi rin ni Vergeire na ang pagtaas ay hindi katulad sa pagtaas ng kaso sa panahon na kasagsagan ng pandemya noong 2020 at 2021.
Ginawa ng Pangulo na opsyonal ang paggamit ng face mask noong Oktubre noong nakaraang taon sa pamamagitan ng Executive Order No 7 at kamakailan ay sinabi na susuriin niya ang DOH at ag IATF kung kailangang gawing mandatory muli ng pagsusuot ng face mask.
Mahalaga ayon kay Vergeire para sa publiko na i-adjust ang kanilang ppag-iisip kung paano makayanan ang virus.
“Ang kailangan, alam natin kung paano proteksyunan ang ating sarili pati ang ating pamilya, and that, piliin natin na mag-mask tayo kapag pupunta tayo sa mga high-risk na mga lugar katulad ng mga matataong lugar.” Jocelyn Tabangcura-Domenden
DOH kay PBBM: Sapilitang face mask ‘wag na ibalik
Source: Filipino Pinoys
DOH kay PBBM: Sapilitang face mask ‘wag na ibalik
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento