Alkalde: Sumadsad na China vessel alisin agad

MANILA, Philippines – Hiniling ni Guiuan Mayor Annaliza Gonzales-Kwan ang agarang pagkuha ng isang barko ng China na sumadsad sa Barangay Sulangan, Guiuan, Eastern Samar noong Abril 18.

“I am really pushing for the immediate removal of that vessel because a typhoon might hit,” anang alkalde.

Mayroong 55,000 metric tons ng nickel ore sa nasabing barko na may tatak ng China.

Ayon sa alkalde, hindi pa rin nagsisimula ang proseso ng pagkuha ng barko sa loob ng siyam na araw mula nang mangyari ang insidente.

“I called up the shipping agent this morning asking them as to when will the salvors arrive. I also emailed the owner through them because we could not wait any longer. Otherwise, I will seek help from the national government,” dagdag pa niya.

Iniatas na umano ang may-ari ng barko sa SMIT Salvage-Singapore na tanggalin ito at inatasan ang Malayan Towage and Salvage Corp. upang gawin ang trabaho sa lugar.

Tinatayang nasa 2.7 nautical miles sa baybayin ng Pacific Ocean kung saan sumadsad ang barko.

Wala namang oil spill na naitala sa insidente. RNT



Alkalde: Sumadsad na China vessel alisin agad
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento