Oil spill clean-up sa Pola, NegOr, 80% nang kumpleto

MANILA, Philippines – Nasa 80.71% na ang oil spill na ang nalinis sa bayan ng  Pola,Oriental Mindoro ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa ulat ng PCG, kabilang sa mga baybayin ng mga barangay Misong, Tagumpay, Puting Caco, Tiguihan, Bayanan, Zone 1, Zone 2, Batuhan, Calima, Buhay na Tubig, at Bacawan, base sa Day 59 Summary Report ng PCG Incident Management Team.

Nalinis na rin ang nasa 74.82% ng baybayin  sa bayan ng Naujan kabilang ang barangays Masaguing at Herrera.

Ayon pa sa ‘oil spill response team’, nasa 28 sa 34 na kilometro ng baybayin sa Pola ang nalinsi at lima sa pitong kilometro naman sa Naujan.

Idineklara naman ang mga Barangay Tuguihan, Zone 1 at Zone 2 sa Pola na 100% clean.

Patuloy namang nililinis ang pitong kilometro pa ng baybayin sa Pola at dalawang kilometro sa Naujan ng mga nagsanib na ahensya ng pamahalan at volunteers na magkakasa na ng Phase 2 at 3 Shoreline Clean-up.

Para matanggal lahat ng bakas ng langis ay gagamitan nila ito ngayon ng flushing, pressure washing, pebble washing at manual cleaning

Patuloy rin ang pagbabantay ng PCG sa bisinidad na katubigan para sa posibleng paglabas ng mga bagong oil spill. Jocelyn Tabangcura-Domenden



Oil spill clean-up sa Pola, NegOr, 80% nang kumpleto
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento