Suspek sa Degamo slay, sangkot din sa dalawang palpak na murder attempt sa gobernador

MANILA, Philippines – Isa sa mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ay sangkot din sa dalawang insidente ng tangkang pagpatay sa gobernador, ayon kay Department of Justice Secretary Crispin Jesus Remulla.

“That person was involved not only in the last assassination attempt he succeeded but into two other failed assassination attempts on Governor Degamo,” hayag ni Remulla sa panayam ng CNN Philippines nitong Lunes ng umaga, Marso 27.

Dagdag pa ni Remulla, ang suspek ay kabilang sa “major players” ng pagpatay kay Degamo, na kanila nang pinupuntirya noon pang Disyembre 2022.

Pumalpak lamang aniya ang mga ito dahil sa mga bagay na hindi nila kontrolado.

Ayon pa kay Remulla, sinigurado na ng mga suspek na maitutumba nila si Degamo sa ikatlong pagkakataon – at itong pagpaslang sa gobernador ay planado na sa simula pa lang. RNT



Suspek sa Degamo slay, sangkot din sa dalawang palpak na murder attempt sa gobernador
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento