Philippines news
SUNOG SA KAGUBATAN DAPAT PAGHANDAAN

HINDI lang mga sunog sa mga kabahayan ang dapat na bantayan ngayon kundi maging ang mga nagaganap sa mga kagubatan.
Sana hindi natin maranasan ang katatapos lang na sunog na tumupok sa malaking bahagi ng Kho Laem sa Sangkhla Buri District sa Thailand.
Nagkaroon ng sunog dahil lang sa pagluluto ng isang babae ng noodle sa inipon niyang mga dahon at tangkay ng mga puno sa lugar.
Sa ‘di pa malamang dahilan, nagkasunog sa Valencia Region sa Spain at isang linggo na itong binabaka ng daan-daang bumbero, gamit pati ang mga eroplano.
Lumayas sa lugar na sentro ng turismo ang nasa 1,500 residente at karamiha’y walang naisalba, maging ang mga hayop at bisikletang pinagkakakitaan nila.
May 60 namang sabay-sabay na sunog, bagama’t maliliit, sa dakong Asturias, Spain pa rin, at tatlong araw nang nagaganap ito.
Maraming bayan ang nasusunugan at nasa 500 na mga bumbero, kasama ang mga bumbero ng military, ang nagtutulong-tulong na maapula ang mga apoy.
Kapag pinag-uusapan ang mga sunog sa kagubatan, maaaring isama natin ang magugubat na lugar sa mga kalunsuran gaya ng Ninoy Aquino Parks and Wild Life Center sa Quezon Avenue, Quezon City at mismong Quezon Memorial Circle.
Magubat din ang Arroceros Forest Park malapit sa Manila City Hall, Marikina watershed, La Mesa Dam and Ecopark sa Fairview, Q.C. at iba pa.
Kapag nagkasunog-sunog ang mga ito, libo-libong tao, mga brad, ang apektado.
Libong mga establisimyento at kabahayan ang posibleng magliyab at maaabo.
At lalong hindi maganda ang mga pangyayari kung madadamay pati ang mga sentro ng serbisyo ng pamahalaan gaya ng patubig sa kaso ng La Mesa Dam and Ecopark at kabuhayang itinayo sa mga lugar na ito.
Lahat dapat mag-ingat sa mga sunog at matutong pigilan o lumaban sa mga ito na nagdudulot ng mga ‘di masukat na perwisyo sa buhay at ari-arian.
SUNOG SA KAGUBATAN DAPAT PAGHANDAAN
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
SUNOG SA KAGUBATAN DAPAT PAGHANDAAN
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento