Oil spill patungo sa Verde Island passage – PhilSA

MANILA, Philippines- Makikita sa satellite images na patungo na ang oil spill sa Oriental Mindoro sa norte, sa Verde Island passage, ayon sa Philippine Space Agency (PhilSA) nitong Martes.

Batay sa ulat, sinabi ni PhilSA Supervising Science Research Specialist Engineer Roel de la Cruz sa isang press briefing na umabot na ang bahagi ng oil slick sa Verde Island.

Habang pa-timog ang oil spill noong nakaraan, makikita sa March 23 satellite images na nagbago ng direksyon ang oil spill patungong norte sa Verde Island passage.

Subalit, nilinaw ni De La Cruz na kailangan pang bantayan ng ground observation ang totoong epekto ng oil spill.

Hanggang nitong Martes, 172,928 indibidwal o 36,658 pamilya na sa Mimaropa at Western Visayas ang apektado ng oil spill, base sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Umabot naman sa 203 indibidwal ang nagkasakit dahil dito.

Idineklara ang state of calamity sa 10 apektadong lungsod at munisipalidad, base sa NDRRMC. RNT/SA



Oil spill patungo sa Verde Island passage – PhilSA
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento