Nene patay matapos malunod sa Maynila
Nene patay matapos malunod sa Maynila

MANILA, Philippines – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 13-anyos na estudyante matapos umanong lumusong at maligo sa breakwater ng Happyland sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Kyshia Nicole Malbas y Balanquit, nakatira sa Capulong St, Brgy. 108, Tondo, Maynila.
Base sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Kian, habang sila ay lumalangoy sa breakwater ng Happyland ay bigla na lamang nalunod ang kanyang nakababatang kapatid.
Agad umano siyang umuwi sa kanilang bahay para humingi ng tulong kung saan agad namang sumaklolo ang kaniyang tiyuhin upang sagipin ang biktima.
Naisugod pa sa Tondo Medical Center ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Nene patay matapos malunod sa Maynila
Source: Filipino Pinoys
Nene patay matapos malunod sa Maynila
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento