4 pa wagi ng MOS sa COPA-Golden Goggle
Batangas tanker, 4 pa wagi ng MOS sa COPA-Golden Goggle

MANILA, Philippines – Pinangunahan ng tubong Bartangas na si Clevic George Daluz ang limang promising tanker para sa Most Outstanding Swimmer (MOS) Awards matapos pamamayagpag sa tatlong event ng kani-kanilang age-group class sa pagtatapos ng COPA-Golden Goggle Leg 1 at 2 kahapon sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Center (RMSC) sa Malate, Manila.
Ang walong taong gulang na Grade 1 na mag-aaral sa Agustin Ramos Memorial Elementary School sa Balayan ay nanguna sa boys 8-yrs class 50-m backstroke sa tiyempo ng 51.03 segundo at 100-m breaststroke na nag-orasan ng 2:01.11 matapos ang pagwawagi sa 200-m freestyle (3:36.78) sa opening day nitong Sabado sa event na pinalakas ng Speedo at suportado ng Philippine Sports Commission at MILO.
“Masaya po ako kasi nabigyan ko ng medals ang team naming at ang mama at Papa ko,” said Daluz of the Balayan Tigers Swim Team.
Ang iba pang triple gold winners ay sina Marcus Pablo, John Rey Lee,, Samantha Mia Mendoza at Jamie Aica Summer Sy. Lahat sila ay kwalipikado para sa Luzon Championship sa Agosto kung saan ang mga nangungunang manlalangoy ay makakasagupa ng pinakamahuhusay na atleta mula sa Visayas at Mindanao Regional Championship ng torneo na inorganisa ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. na pinamumunuan ni swimming icon Batangas 1st District Congressman Eric Buhain.
Si Pablo, na nanalo rin sa boys 7-yrs-class 200-m freestyle (4:14.17) nitong Sabado, ay muling naghatid sa 50-m back (1:00.01) at 100-m breast (2:14.28); habang nasungkit ni Lee ang pinakamataas na karangalan sa 9-yrs age group matapos manalo sa 100-m breast (2:10.26), 50-m back (52.33) at 200-m free (3:17.50).
Ang pagmamalaki ng Coach King Swimming Team, si Mendoza ang nanguna sa girls 8-yrs. Class 100-m breast (2:13.77); 50-m breast (55.29) at 200-m free (3:23.73), habang tinapos ni Sy ang kanyang performance sa girls 12-yrs class na nanalo sa 100-m breast clocking 1:41.87. Nagwagi rin siya sa 50-m back (38.68) at 200-m free (2:43.10).
“Ginagawa ng COPA ang lahat para sa pagpapaunlad ng swimming. After our regional championships for Luzon, Visayas and Mindanao, meron tayong National Championship sa November. We also in close coordination with our friends abroad for an international-flavored event na tayo ang host at hindi tayo ang gagastos para bumiyahe pa. Tuloy-tuloy din yung coaches education program natin,” said COPA treasurer and event director Chito Rivera.
Magpapatuloy ang Leg 3 at 4 ng torneo sa Abril 22-23.
Ang iba pang nagwagi ay sina Keisha Blair ng Flying Lampasot sa girls 14-yrs class 50-m back (35.39); Marie Rejuso sa 15-yrs (34.11); Dane Urquico sa 16-yrs (34.38); Fie Dolliente sa 17-yrs (35.15); Dianna Cruz sa 18-yrs over (33.73);
Ivoh Gantala sa boys 12-yrs 200-m butterfly (3:09.38); Mark Perez sa 13-yrs (2:49.41); Clyde Jose sa 14-yrs (2:32.29); Antonio Reyes sa 15-yrs (2:40.13); Meynard Marcelino sa 16yrs (2:23.230; Angelo Sadol sa 17-yrs (2:16.76) at Kent Cagape sa 18-over (2:15.08).JC
Batangas tanker, 4 pa wagi ng MOS sa COPA-Golden Goggle
Source: Filipino Pinoys
4 pa wagi ng MOS sa COPA-Golden Goggle
Batangas tanker
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento