MMDA magtatalaga ng 2K tauhan sa Semana Santa

MANILA, Philippines – Magpapakalat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mahigit 2,000 tauhan sa mga pangunahing kalsada at sakayan sa Semana Santa.

“Handa na po kami mag-deploy ng 2,104 personnel para bantayan ang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, lalo na po sa mga lugar na malapit sa bus terminals, airports, at sea ports,” ani MMDA spokesperson Mel Carunungan sa isang televised public briefing nitong Miyerkules, Marso 29.

Ani Carunungan, inatasan na umano ni MMDA acting chairperson Romando Artes ang mga tauhan nito na hindi sila papayagan na lumiban o magday-off sa Abril 5, 6, 7 at 10.

Papasok naman sa Abril 7 hanggang 9 ang skeleton staff nito.

Maliban dito, nauna nang sinabi ng MMDA na magtatatag sila ng multi-agency command center upang tutukan ang mga sitwasyon sa mga sakayan simula Abril 3.

Ang command center ay binubuo ng MMDA, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at Philippine National Police. RNT/JGC



MMDA magtatalaga ng 2K tauhan sa Semana Santa
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento