Mga aamyendahan sa Omnibus Election Code
Mga aamyendahan sa Omnibus Election Code, rerepasuhin ng Comelec en banc

MANILA, Philippines – Nakatakdang repasuhin ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang mga panukalang pag-amyenda sa 1985 Omnibus Election Code.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa CNN Philippines na ang komite ay bumuo ng isa pang komite upang ilista ang mga posibleng pag-amyenda sa katatapos na 964-pahinang draft.
“We are hoping that the same will be submitted to us with the commission en banc for our review,” sabi ni Garcia.
Ipinaliwanag ni Garcia na ang panukala ng pag-amyenda ay layong iakma ang 1985 Omnibus Election Code sa pagbabago ng panahon, lalo na sa gitna ng mga pagsisikap sa pagsasagawa ng botohan na automated.
Isa sa panukalang amendments ang pagpapabuti sa probisyon para sa pag-screen ng mga aplikante sa party-list.
Binanggit niya na may mga reklamo na ang ilang party-list ay hindi na tumutugon sa mga dapat nilang kinakatawan sa Kongreso.
Binanggit din ni Garcia ang desisyon ng Korte Suprema na hindi kailangang maging bahagi ng sektor na gusto niyang katawanin hangga’t napatunayan ang kanyang adbokasiya.
Tatanggapin aniya ng Comelec ang hiwalay na batas para amyendahan ang Party-List System Act.
“We have to ensure greater and equal participation of the marginalized and the underrepresented sector,” saad ni Garcia.
Ang isa pa aniyang panukala ay ang pagpayag sa online voting, na magiging kapaki-pakinabang para sa mga overseas Filipinos, partikular sa mga marino, dagdag niya. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Mga aamyendahan sa Omnibus Election Code, rerepasuhin ng Comelec en banc
Source: Filipino Pinoys
Mga aamyendahan sa Omnibus Election Code
Philippines news
Pinoy Trending
politics
rerepasuhin ng Comelec en banc
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento