Mag-ninong
Mag-ninong, patay sa pamamaril!

CAUAYAN CITY–Patay ang mag-ninong matapos silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek, kagabi sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga biktimang sina Lawrence Lagamia, 47-anyos, beautician, taga-Brethan Subdivision, Cauayan City at inaanak nitong si Angelica Pebenito, 27, at residente ng Minante 1, Cauayan City.
Batay sa report ng Cauayan-PNP, naganap ang krimen madaling-araw ng Linggo sa Barangay District 2, Cauayan City.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, magkasama ang mga biktima nang bigla na lamang silang pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek na mabilis tumakas matapos ang krimen.
Isinugod naman sa ospital sina Lagamia at Pebenito subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ang mga ito ng hininga.
Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen. Mary Anne Sapico
Mag-ninong, patay sa pamamaril!
Source: Filipino Pinoys
Mag-ninong
patay sa pamamaril!
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento