Kahit may China military drill, sitwasyon sa Taiwan normal!

TAIWAN – Halos walang epekto ang pagsasagawa ng tatlong araw na military drills ng Tsina malapit sa Taiwan habang nagdiriwang ang mga Katoliko ng kanilang pagdiriwang ng Easter sa Taipei.

Ayon kay Professor Patrick Dave Bugarin, normal na normal ang sitwasyon sa Taiwan.

Pinuna ng Taipei ang drill ng Beijing dahil ito ay nakakapagdulot ng panganib sa seguridad ng rehiyon.

Sinabi rin ni MECO Chairperson and Representative Sylvestre Bello III na normal ang sitwasyon sa Taiwan at wala umanong malaking pagtatanggalan ng trabaho sa kasalukuyan dahil sa banta ng seguridad.

Sa kabila nito, nag-develop ang Philippine government ng mga plano para sa mga overseas Filipino workers kung sakaling magkaroon ng gulo.

Dagdag pa ni Professor Renato de Castro, ang Enhanced Defense Cooperation Agreement sites sa North Luzon ay magiging kapaki-pakinabang para sa Pilipinas sakaling magkaroon ng gulo dahil ito ay magagamit upang agad na maiuwi ang mga OFW mula sa Taiwan. RNT



Kahit may China military drill, sitwasyon sa Taiwan normal!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento