OCTA: NCR COVID-19 positivity rate lampas 5%
OCTA: NCR COVID-19 positivity rate lampas 5%

MANILA, Philippines- Patuloy ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa unang linggo ng Abril, na sumampa sa 6.5% noong Sabado, ayon sa independent monitoring group OCTA Research nitong Lunes.
Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang NCR positivity rate — porsyento ng mga indibidwal na nasasapul ng COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga sinuri — ay tumaas mula 4.4% noong April 1 ,sa 6.5% nitong April 8.
Kabilang din sa mga lugar na lampas sa 5% benchmark na itinakda ng World Health Organization (WHO) ang Benguet, Camarines Sur, Cavite, Cebu, Davao del Sur, Isabela, Misamis Oriental, Negros Occidental, Palawan, Rizal, at South Cotabato.
Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na “insignificant” pa rin ang tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa bansa dahil ang hospital utilization ay nananatiling mababa at “manageable”.
Nakapagtala ang Pilipinas ng 177 bagong COVID-19 cases sa buong bansa nitong Easter Sunday. RNT/SA
OCTA: NCR COVID-19 positivity rate lampas 5%
Source: Filipino Pinoys
OCTA: NCR COVID-19 positivity rate lampas 5%
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento