Giyera sa Taiwan
Giyera sa Taiwan, mitsa ng World War 3 – British Nostradamus

LONDON – Naniniwala ang tinatawag na “Bagong Nostradamus” na si Craig Hamilton-Parker, isang British, na magaganap ang ikatlong digmaang pandaigdig sa taong ito.
Ngunit hindi nauugnay sa digmaang Russia-Ukraine ang nasabing digmaan kundi sa iringan sa pagitan ng United States at China dahil sa Taiwan.
Magsisimula umano ang ikatlong pandaigdigang digmaan sa banggaan ng dalawang eroplano o submarino.
Pangunahing eroplano o submarino na nauugnay sa China at United States ang mga magbabanggaan.
Sa ngayon, aktibo ang mga eroplano at submarino ng dalawang bansa sa paglipad-lipad at paglalakbay at pagpapatrulya sa mga inaangkin nilang mga karagatan at kalupaan.
Inaangkin ng China ang Taiwan samantalang kaalyado ng US ang Taiwan na nagsasabing independiyente itong bansa at hindi pag-aari ng China.
Kaugnay ng mga pangyayaring ito, pinaaktibo ng Russia ang mga pwersa militar nito sa silangan na nakaharap sa dagat-Pasipiko at kasama sa mga pwersang Russia na gumagalaw ang mga eroplano, barko at submarine.
Panay naman ang pagkilos at training ng mga pwersang eroplano, barko at submarino sa parte ng US, Japan, South Korea, Britain, Germany at Australia para harapin ang anomang mga panganib mula sa China at Russia, kabilang na ang North Korea.
Kung kaninong eroplano o submarino ang magbabanggaan para maging mitsa ng ikatlong digmaang pandaigdig, hindi gaanong malinaw.
Ngunit ipinokus ni Hamilton-Parker ang hula nito sa iringan ng China at US.
Inihayag din nitong maliit lang ang giyerang Russia at Ukraine at mas malaking digmaan ang magaganap kaugnay ng agawan ng pag-aari o kontrol sa Taiwan. RNT/FC
Giyera sa Taiwan, mitsa ng World War 3 – British Nostradamus
Source: Filipino Pinoys
Giyera sa Taiwan
mitsa ng World War 3 – British Nostradamus
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento