IU muling magsasama sa ‘People Pt. 2’
Suga, IU muling magsasama sa ‘People Pt. 2’

SOUTH KOREA – Magkakasamang muli sa panibagong kolaborasyon ang BTS member na si Suga at sikat na solo singer na si IU!
Nitong Lunes, Abril 3, ay inanunsyo ng BigHit Music ang “People Pt. 2” ni Suga, tampok ang very pretty na si IU.
Ang “People Pt. 2” ay pre-release track ng paparating na album din ni Suga na “D-Day.”
Nakatakdang ilabas ang single sa Abril 7.
Ang “D-day” ang final installment ng mixtape trilogy ni Suga, na ilalabas naman sa Abril 21
Si Suga ay isa lamang sa ilang BTS member na naglabas din ng solo project, matapos sabihin ng grupo na tututok muna sila sa kani-kanilang individual release habang naghahanda sa kanilang military enlistment.
Huling nagkasama si Suga at IU sa 2020 hit na “eight” na talaga namang namayagpag, globally! RNT/JGC
Suga, IU muling magsasama sa ‘People Pt. 2’
Source: Filipino Pinoys
IU muling magsasama sa ‘People Pt. 2’
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
Suga
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento