10K slots sa TNVS sa NCR
10K slots sa TNVS sa NCR, bubuksan ng LTFRB sa Abril 17

MANILA, Philippines – Magbubukas ng karagdagang 10,000 slots ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa aplikasyon sa transport network vehicle service (TNVS) simula Abril 17.
Sa kopya ng Board Resolution, inaprubahan ng LTFRB ang karagdagang 10,300 TNVS slots sa Metro Manila.
Ayon sa ahensya, nakita nila ang pangangailangan ng pagbubukas ng karagdagang slots upang matugunan ang kulang na bilang ng TNVS sa kasalukuyang demand.
Ang resolusyon ay pirmado ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III at Board Members Riza Marie Tan-Paches at Mercy Jane Paras-Leynes.
Ayon sa ahensya, susundin ang panuntunan at documentary requirements sa paghahain ng aplikasyon sa TNVS, upang maiwasan ang illegal na transaksyon at malimitahan ang pakikipag-ugnayan ng mga aplikante sa mga fixer. RNT/JGC
10K slots sa TNVS sa NCR, bubuksan ng LTFRB sa Abril 17
Source: Filipino Pinoys
10K slots sa TNVS sa NCR
bubuksan ng LTFRB sa Abril 17
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento