COVID state emergency sa US tinuldukan na ni Biden
COVID state emergency sa US tinuldukan na ni Biden
Tinuldukan na sa Amerika ang national health emergency sa COVID-19 matapos lagdaan ni Pangulong Joe Biden ang batas na itinakda ng Kongreso.
Ayon sa White House, hindi na magagamit ang malawakang suporta sa COVID tests, libreng bakuna, at iba pang emergency measures na inilunsad simula Enero ng 2020 upang makatugon sa pandemya.
Hindi malinaw kung anong epekto ang magiging dala nito sa tensyon sa southern border sa Mexico kung saan matagal nang hindi natutugunan ng mga awtoridad ang daloy ng mga undocumented immigrants at mga taong naghahanap ng asylum.
Mapapaso na rin sa Mayo 11 ang paggamit ng Title 42 na ginamit sa health emergency para maglagay ng mas striktong limitasyon sa pagtanggap ng mga undocumented arrivals sa bansa.
Ayon sa isang senior official ng White House, kasalukuyan na rin silang naghahanda para sa pang susunod na henerasyon ng bakuna at iba pang mga hakbang laban sa mga bagong variant ng virus. Mayroon nang $5 billion na pondo para sa public-private collaborations na naglalayong mas mapabilis at mapasulong ang mga susunod na bakuna at tratamento laban sa COVID-19. RNT
COVID state emergency sa US tinuldukan na ni Biden
Source: Filipino Pinoys
COVID state emergency sa US tinuldukan na ni Biden
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento