Kapitana patay sa away-lupa
Kapitana patay sa away-lupa

GENERAL SANTOS CITY –PINAG-AAGAWAN umanong lupa ang isa sa tinitignan motibo sa pamamaril-patay sa isang barangay chairwoman noong Linggo ng umaga sa bayan ng Maitum, Sarangani.
Kinilala ni Police Major Bernard Francia, hepe ng Maitum-PNP ang biktimang si PB Tonesa Sarudin, ng Barangay Mindupok, ng nasabing bayan.
Batay sa report ng pulisya, bandang 10:40 AM naglalakad ang biktima sa tapat ng barangay hall ng bigla na lamang sumulpot ang riding in tandem suspect at binaril ng .45 kalibre na baril sa ulo ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.
Sinabi ni Sarudin, posibleng rido ang motibo sa krimen na sangkot ang nag-aaway na dalawang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa naturang lugar.
Sa ngayon, ipinakalat na rin sa nabanggit na lugar ang karagdagang pwersa mula sa Provincial Mobile Force Company at 38th Infantry Battalion para maiwasan ang pagdanak ng dugo sa lugar.
Nagsasagawa na rin ng hot pursuit operation ng tropa ng pamahalaan para sa pagkakakilanlan at ikadarakip sa mga suspek./Mary Anne Sapico
Kapitana patay sa away-lupa
Source: Filipino Pinoys
Kapitana patay sa away-lupa
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento