Concert nina Pokwang at K Brosas, sa Vegas, kanselado; producer, nagtago!

Manila, Philippines – Recently ay naglabas ng opisyal na statement ang Lx2 Entertainment na hindi matutuloy ang nakatakda sanang concert nina Pokwang at K Brosas sa Las Vegas, USA dahil sa diumano’y “breach of contract” ng prodyuser.

April 2 dapat naka-sched ang BFF Live in Las Vegas concert ng dalawang comedienne-singer subalit may problema daw sa producer na si Vince Gesmundo na hindi sumipot sa usapan para i-settle ang isyu.

Nanindigan ang Lx2 Entertainment na may utang na $13,000 ang prodyuser sa US concert nina K Brosas at Pokwang.

Ang Lx2 Entertainment ay pinamumunuan ng CEO na si Loie Mogan na siyang promoter ng concert habang si Vince naman ng VynzMusikLLC ay producer ng show.

Sa pamamagitan ng telepono, nakausap ng Pep si Mogan para magpaliwanag na nagkaproblema siya kay Gesmundo doon pa sa Chicago leg ng BFF concert na ginanap noong April 1, Sabado, (US time).

Muntik na raw makansela ang April 1 show dahil wala raw maibigay na talent fee si Gesmundo kina Pokwang at K Brosas.

Dahil sa kahihiyan, nag-abono ang line producer ng $6,000 para matuloy ang concert.

Giit ni Germundo, isusunod na lamang daw niya ang kakulangang payment na nagkakahalaga ng $13,000 sa kanilang Chicago concert, subalit hindi raw ito tumupad sa usapan.

Noong araw ng kanilang Las Vegas concert ay kinokontak ng Lx2 Entertainment si Vince para sa talent fee nina Pokwang at K pero lagi na lang daw itong may pakiusap.

Sinabi pa ni Mogan na ilang beses daw nilang iniurong ang oras ng deadline kay Gesmundo para bayaran ang mga performers subalit ‘di raw ito nagpapakita ng personal para ayusin ang isyu.

Pahayag ni Mogan, “We cancelled the show as a promoter because as per our agreement, hindi kami bayad. Wala siyang binayad sa amin ni singkong duling. He owed us $13k sa Chicago and $33k in Las Vegas,” saad ni Morgan.

Kaya daw napilitan silang kanselahin ang show sa Las Vegas nitong April 2 dahil sa isyu na ‘di raw pagbabayad ni Gesmundo.

“We need to protect our artists. Although ,they really wanted to perform para sa mga kababayan nation dito (US),” ani Mogan.

In fairness, maraming Pinoy umano ang bumili ng tiket at ang iba’y may dala pang regalo sa dalawa.

Nakita ni Mogan na succesful ang show sa dami ng mga bumili ng tickets pero ang hindi nila maintindihan ay kung bakit walang maibayad sa kanila ang producer na si Gesmundo?

Tuloy, naaawa si Pokwang sa mga kababayan nationg Pinoy sa Amerika na bumili ng tickets para panoorin ang kanilang show sa Las Vegas. Ador Saluta



Concert nina Pokwang at K Brosas, sa Vegas, kanselado; producer, nagtago!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento