Bato sa bato: Dela Rosa nagpupuyos sa galit vs pulis na nagkanaw ng droga

MANILA, Philippines – Nagpupuyos sa galit ni Senador Ronald”Bato” Dela Rosa sa ilang opisyal at tauhan n pulisya na nagnakaw sa nakumpiskang droga noong nakaraang taon na na umabot sa 999 kilo nagkakahalagang P6.7 bilyon .

Sa pahayag, sinabi ni Dela Rosa, chairman of the Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee, na kanyang hinihikayat si PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. na kaagad magsalita upang mapawi ang pagdududa na maibabasura lamang ang kaso.

Nakatakdang magbigay ng opisyal na pahayag si Azurin sa Lunes. Nakatakda itong magretiro sa lalong madaling panahon.

‘’Sabi ko nga sa kanya bago siya magretire yung mga pinaparesign niya na senior officers dapat madesisyunan yan bago siya umalis, ’’ dela Rosa, dating PNP chief, na naglunsad ng madugong drug war noong nakaraang administrasyon.

Sinabi ni Dela Rosa na kumukulo ang kanyang dugo nang magtuklasan nitong sangkot ang matataas na opisyal ng PNP sa multi-bilyon peso drug haul.

‘’Kumukulo ang dugo ko at nanggigigil ako at sarap pagsasakalin ng mga pulis na yan Kainis na talaga, di na natuto. Di na natuto wala talaga, parang total disregard what is morally right and morally wrong, wala na silang moralidad ’’ aniya.

Nagpahayag din ng suporta si Senador Christopher “Bong” Go sa plano ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary nhur Abalos na paimbestiggahan ang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa P6.7 billion drug haul noong nakaraang taon.

Iginiit ni Go ang kahalagahan ng katotohanan at pananagutan sa pagtugon sa isyu ng illegal drugs na pangunahing problema n g bansa sa loob ng maraming taon.

Aniya, dapat papanagutin ang lahat ng opisyal ng PNP na sangkot sa droga.

Tinanggap ng PNP ang desisyon ng DILG na paiimbestigahan ang inarestong si dating officer Rodolfo Mayo na sangko sa P6.7-billion drug haul noong October 2022 at tinanggal na siya sa posisyon.

Duda ang DILG na nag—isang kumikilos si Mayo sa pagsasabing may iba pang sangkot dito.

“Alam n’yo, the truth must come out. Katotohanan lagi. In fairness sa lahat ng pulis, ‘yung totoo po, ani Go.

Aniya, dapat ipagpatuloy ang laban sa illegal drugs. “Ayaw nating masayang ang inumpisahan ni dating pangulong (Rodrigo) Duterte na labanan po ang ilegal na droga. Kapag bumalik ang ilegal na droga, babalik po ang kriminalidad, babalik po ang korapsyon sa gobyerno,’’ dagdag niya.

Importante din umanong ihiwalay ang ilang masasamang pulisya mula sa matatapat at dedikadong opisyal na nagtatrabaho upang maging ligtas an gating komunidad. Ernie Reyes



Bato sa bato: Dela Rosa nagpupuyos sa galit vs pulis na nagkanaw ng droga
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento