Pope Francis ‘di makadadalo sa Good Friday procession

Hindi dadalo si Pope Francis sa “Way of the Cross” service sa Biyernes Santo dahil sa patuloy na paggaling mula sa bronchitis.

Sa halip, susubaybayan ng 86-anyos na Santo Papa ang serbisyo mula sa Casa Santa Marta, kanyang tirahan sa loob ng Vatican.

Ito ang unang pagkakataon sa sampung taon ng kanyang pagkapapa na hindi niya sasalihan ang taunang serbisyo.

Plinano pa rin ni Francis na mamuno ng misa sa Biyernes sa St. Peter’s Basilica at inaasahan na mamumuno siya ng misa ng Pasko ng Pagkabuhay sa Linggo sa St. Peter’s Square. RNT



Pope Francis ‘di makadadalo sa Good Friday procession
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento