Transport strike gumulong na; Libreng Sakay, alok ng LGU

MANILA, Philippines- Umarangkada ngayong Lunes ang week-long transport strike ng ilang grupo bilang pagsalungat sa PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Sa Monumento Circle sa Caloocan City, maagang nagtipon ang mga miyembro ng PISTON para sa programa na susundan ng kanilang kilos-protesta, ayon sa ulat.

Para asistihan ang commuters, nag-aalok ang local government units (LGU) sa National Capital Region (NCR) ng “libreng sakay” ngayong Lunes ng umaga.

Nagtalaga ang Manila city government ng mahigit 300 sasakyang mula sa Manila Traffic and Parking Bureau, Manila Disaster Risk Reduction Management Office, at Manila Police District, according to the Manila Public Information Office. 

Kabilang sa mga dineploy na sasakyan ang 280 e-trikes para sa secondary roads at 32 bus, pick-up at trucks para sa major thoroughfares.

Sinabi ng Manila LGU na tatakbo ang Oplan Libreng Sakay nito mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi at alas-4 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi sa mga sumusunod na ruta:

  • Vito Cruz Taft Ave – Quezon Blvd.

  • Espana Blvd. – Welcome Rotonda

  • Abad Santos Ave. – R. Papa Rizal Ave.

  • UN Taft Ave. – R. Papa Rizal Ave.

  • Recto Ave. – SM Sta. Mesa

  • UN Taft Ave. – P. Ocampo St.

  • Monumento Rizal Ave. – Divisoria

  • Buendia Taft Ave. – Divisoria

  • Buendia Taft Ave. – Monumento Rizal Ave.

  • Buendia Taft Ave. – Welcome Rotonda

Samantala, inanunsyo naman ng Pasig City LGU na mag-aalok ito ng Libreng Sakay sa mga sumusunod na ruta:

  • Pasig Mega Market to Shaw Boulevard (Vice Versa)

  • Pasig Mega Market to Ligaya via Dr. Sixto Antonio Ave. (Vice Versa)

  • Pasig Mega Market to Kalawaan to San Joaquin to Pasig Mega Market (Loop)

  • Pasig Mega Market to Ligaya via C. Raymundo Ave. (Vice Versa)

  • Pasig Mega Market to Dr. Sixto Antonio Ave. to Rosario to C. Raymundo Ave. to Pasig Mega Market (Loop)

Aarangkada ang libreng sakay mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga, alas-11 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon, at alas-3 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi mula March 6 hanggang 12.

Samantala, sinabi ng Quezon City LGU na magseserbisyo ang Q City Buses na may libreng Wi-Fi sa walong ruta:

  • QC Hall to Cubao

  • QC Hall to Litex / IBP Road

  • Welcome Rotonda to Aurora Katipunan

  • QC Hall to General Luis

  • QC Hall to Mindanao Ave. via Visayas Ave.

  • QC Hall to Gilmore

  • QC Hall to C5 / Ortigas Ave. Ext.

  • QC Hall to Muñoz

Naka-post sa Facebook page nito ang bus schedules.

Samantala, inanunsyo rin ng Muntinlupa City LGU na nag-deploy na ito ng service vehicles para sa Libreng Sakay kaninang alas-5 ng umaga.

Anang LGU, gugulong ang Libreng Sakay mula March 6 hanggang 12 mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi sa mga sumusunod na ruta:

  • RMT to Alabang Viaduct and vice versa (National Road)

  • Alabang Viaduct to Sucat and vice versa (East Service Road)

  • South Station to Sucat and vice versa (West Service Road)

  • South Station to Buencamino and vice versa (Alabang-Zapote Road)

  • Biazon Road (Southville III)

  • Sucat to Poblacion and vice versa (Baybayin)

Mahigit 100,000 public utility vehicles (PUVs) ang inaasahang makikilahok sa week-long transport strike para ihayag ang oposisyon sa PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Samantala, ilang transport groups naman ang nagdesisyong hindi makibahagi sa week-long transport holiday na inorganisa ng kanilang mga kasamahan.

Kabilang dito ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Pasang Masda at Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP). RNT/SA



Transport strike gumulong na; Libreng Sakay, alok ng LGU
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento