Ex-NPA member isa sa mga suspek sa Degamo slay

MANILA, Philippines – Isa sa mga itinuturong suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ay isang dating miyembro ng New People’s Army.

Ayon sa mga militar nitong Miyerkules, Marso 15, napatay ang ex-NPA member na si Arnil Labradilla sa hot pursuit operation na ikinasa sa Barangay Cansumalig, Bayawan City, noong gabi ng Marso 4.

Patunay ani Major Cenon Pancito ng Special Joint Task Force Negros, na may sapat na combat experience ang mga suspek sa pagpatay sa gobernador.

Sa kasalukuyan, anim sa 10 suspek na umatake sa bahay ni Degamo sa Pamplona, Negros Oriental ang nasa kamay na ng mga awtoridad habang apat pa ang pinaghahanap.

Idiniin naman ng Special Joint Task Force, na hindi sapat na matunton lamang ang mga suspek sa pamamaril kay Degamo kundi dapat ay matunton din ang nasa likod ng planong pagpatay sa biktima. RNT/JGC



Ex-NPA member isa sa mga suspek sa Degamo slay
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento