Topacio sa SC: Indirect contempt ikasa vs ex-commissioner Guanzon

MANILA, Philippines- Naghain ang abogadong si Ferdinand Topacio nitong Martes ng petition for indirect contempt sa Supreme Court laban kay dating poll Commissioner Rowena Guanzon dahil sa pagsasapubliko ng ng huli ng pagkakasa niya ng disbarment case laban sa una.

Sa 20-page petition, binanggit ni Topacio ang Rule 139-B ng Rules of Court, at sinabing dapat na pribado at confidential ang proceedings laban sa mga abogado.

“At maliwanag po ang patakaran ng ating Korte Suprema na kung ikaw ay mag hahain ng disbarment proceedings laban sa isang abogado katulad ko… ito po ay confidential,” giit ni  Topacio.

“Sapagkat hindi pa nga alam kung may ground for disbarment o wala, nasisira na po ‘yung reputasyon ng isang abogado,” dagdag niya.

Nang kunan ng komento, sinabi ni Guanzon na “naghihiganti” lamang umano si Topacio.

“He is accused in a criminal case. I filed in RTC Bacolod for unjust vexation. So he is being vengeful,” pahayag ni Guanzon.

“I also filed a motion in the RTC for judge to order him to stay away from me and not to comment about me or contact me in any manner directly or indirectly,” dagdag niya. RNT/SA



Topacio sa SC: Indirect contempt ikasa vs ex-commissioner Guanzon
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento