15 biktima ng human trafficking nasagip
15 biktima ng human trafficking nasagip

TAWI-TAWI –Nasagip ng mga awtoridad ang 15 indibidwal na biktima ng human trafficking patungong Malaysia, iniulat kahapon sa probinsyang ito.
Sa pinagsamang operasyon ng mga elemento ng Marine Battalion Landing Team 7 at 12, Tawi-Tawi Provincial Police Office at Municipal Inter-Agency Committee on Anti-trafficking (MIACAT), noong Pebrero 9, nasagip ang apat na babae at limang lalaki kabilang ang tatlong batang babae noong Pebrero 10.
Ayon kay Joint Task Force Tawi-Tawi Commander Brigadier General Romeo Racadio, sakay ang mga biktima ng M/V Trisha Kerstin II at M/V Ever Queen of Pacific, galing Zamboanga City biyaheng Bongao, Tawi-Tawi.
Ang mga biktima papunta sanang Papar at Semporna, kapwa sa Sabah, sa kabila ng kawalan nila ng mga kaukulang dokumento para lumabas ng bansa.
Sinamahan ang mga biktima nina alyas Gina at alias Marvin, na sila umanong magpoproseso ng kanilang mga papeles at para magtrabaho sa isang poultry farm sa Papar na pag-aari ng isang Wei Chang, isang Malaysian national, at isang plantasyon ng palm oil sa Semporna na pag-aari ng isang Kikil Binti Muhaddan, isa ring Malaysian national.
Dinala ang mga biktima ng TIP sa Regional Maritime Unit-BAR, Port Area, Bongao, Tawi-Tawi, at itinurn-over sa Municipal Social Work and Development Office (MSWDO).
Pagkatapos ay dinala sila sa Zamboanga City at itinurn-over sa DSWD-9 para sa pagpapayo.
Pinuri naman ni Western Mindanao Command Commander Lieutenant General Roy Galido ang mga operatiba sa pagliligtas sa mga biktima ng TIP.
“Maging mapagbantay tayong lahat at iwasan ang illegal recruitment at human trafficking schemes,” ani Galido.
“Huwag magpalinlang sa mga maling pangako ng mga indibidwal na gumagawa ng masasamang gawain para maghanap-buhay at tayo makaalis ng ibang bansa para magtrabaho ng walang kaukulang dokumento,” dagdag ni Galido. Mary Anne Sapico
15 biktima ng human trafficking nasagip
Source: Filipino Pinoys
15 biktima ng human trafficking nasagip
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento