P500K shabu nakumpiska

CAMARINES NORTE- Higit kalahating milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga sa isinagawang buy-bust operation, kahapon, Pebrero 12 sa bayan ng Jose Panganiban.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Angel Castillo, 36, at Richard Villacrusis, 42, kapwa residente sa bayan ng Jose Panganiban.

Ayon kay Lieutenant Colonel Maria Luisa Calubaquib, Bicol police spokesperson, dakong 11:00 PM ng madakip ang mga suspek sa Barangay Tawig ng nasabing bayan.

Nakuha sa mga suspek ang 6 na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 75 gramo at aabot sa halagang P510,000.

Sinabi ng pulisya na ang dalawang suspek ay kilala bilang bagong drug personalities.

Sa bayan naman ng Talisay, dakong 7:30 ng gabi sa Barangay Calintaan, nahuli ang isang delivery rider na kilala sa pangalan “Willy,” 38.

Ayon kay Major Conrado De Vera Jr., hepe ng Talisay police, nakuha kay Willy ang tatlong pakete ng shabu na aabot sa halagang P1,500.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Mary Anne Sapico



P500K shabu nakumpiska
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento