Suspek sa Maguindanao ambush noong 2022, patay sa operasyon

MANILA, Philippines – Napatay sa operasyon ng pulisya ang suspek sa pananambang noong Agosto 2022 na ikinasawi naman ng dalawang pulis kabilang ang hepe ng Ampatuan, Maguindanao.

Ayon sa Philippine National Police nitong Linggo, Pebrero 19, kinilala ang suspek na si Abdulkarim Hasim.

Si Hasim ay itinuturing na main suspect sa pagpatay kay Ampatuan Municipal Police Station chief PLt. Reynaldo Samson at driver nito na si Police Corporal Salipuden Endad, noong Agosto 30, 2022.

Sa impormasyon ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., napatay ang suspek nitong Sabado, Pebrero 18 sa
Purok Yellow Bell, Barangay New Isabela, Tacurong City.

May warrant of arrest sa kasong Murder at Double Frustrated Murder si Hasim.

Itinuturing din si Hasim na sangkot sa serye ng harassment sa patrol base ng
40th Infantry Battalion, 601st Brigade sa Datu Hofer, Maguindanao Del Sur. RNT/JGC



Suspek sa Maguindanao ambush noong 2022, patay sa operasyon
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento