Philippines news
Sapat na suplay ng tubig, tiniyak ng Maynilad

MANILA, Philippines – Naglaan ang West Zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. ng total spending plan na halagang P220 bilyon para sa taong 2023 hanggang 2027.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Chief Operating Officer Randy Estrellado na sa pamamagitan ng nasabing pondo ay mapabubuti nito ang water supply at waste water services nito.
Paliwanag ni Estrellado, ito rin ay pagpapalakas sa katatagan ng imprastraktura laban sa mga hamon sa industriya tulad ng lumalaking populasyon, polusyon at epekto ng climate change sa pinagkukunan ng tubig.
Aniya, ang Maynilad ay magtatayo ng pitong bagong water treatment plants na magdaragdag ng 545 milyong litro kada araw (MLD) sa water output ng kumpanya at makakatulong na mabawasan ang service interruptions.
Nabatid na kabilang sa pagkukunan ng tubig ay Laguna Lake, Kaliwa Dam, ilang ilog sa lalawigan ng Cavite at treated used water mula sa Maynilad Water Reclamation Facilities.
“Having more alternate raw water sources gives us some flexibility to sustain service levels whenever raw water quality and availability in Angat Dam is compromised,” pahayag ni Estrellado. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Sapat na suplay ng tubig, tiniyak ng Maynilad
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Sapat na suplay ng tubig
showbiz
sports
technology
tiniyak ng Maynilad
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento