Ex-TF exec sa donasyong COVID vax ng ibang bansa: ‘No strings attached’
Ex-TF exec sa donasyong COVID vax ng ibang bansa: ‘No strings attached’

MANILA, Philippines- “No strings attached” ang donasyong COVID-19 vaccines ng ibang bansa sa Philippine government, ayon kay dating National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon sa Senate hearing nitong Martes.
Inihayag ito ni matapos tanungin ni Senate blue ribbon committee chairman Francis Tolentino kung may kaugnayang ang bilang ng COVID-19 vaccines galing sa isang bansa sa bilang ng COVID-19 vaccines na bibilhin ng Philippine government mula rito.
“I’m loooking at the proportionality of the amount of the volume donated vis-a-vis the volume purchased. Baka ‘yun ang strings attached. Bakit ka magdo-donate, kung di mo ire-require na yung donee ay bumili din sa inyo in the future?” tanong ni Tolentino.
Inihalimbawa ni Tolentino na halos 4.075 milyong bakuna ang nagmula sa Chinese pharmaceutical firm Sinovac, kung saan bumili ang Philippine government ng halos 45.640 million doses.
Isa pang kaso na binanggit ni Tolentino ang donasyon ng 1.432 milyong Pfizer vaccines at ang pagbili ng Philippine government ng mahigit 40 milyong doses mula sa American pharmaceutical company.
“Sa akin pong pagkakaalam, wala pong anumang kondisyon or strings attached ang pag-donate ng mga bansa tulad ng China at tulad ng ibang mga bansang tumulong sa atin na nag-donate. Australia, I think, nag-donate din po. Ang America nag-donate din po, at iba pang mga bansa sa Europa. Ito po ‘yung mga bilateral na donations,” paliwanag ni Dizon.
“Wala po akong nakitang corelation d’yan dahil nung panahon non…tayo ay practically, nagmamakaawa na po sa mga bansa at that time dahil wala pa po tayong mabili sa global market ng mga bakuna. Talagang nagkukumahog tayo at kumakatok sa mga pintuan ng mga partner-countries katulad ng China, Estados Unidos [at] mga iba’t-ibang bansa,” dagdag niya. RNT/SA
Ex-TF exec sa donasyong COVID vax ng ibang bansa: ‘No strings attached’
Source: Filipino Pinoys
Ex-TF exec sa donasyong COVID vax ng ibang bansa: ‘No strings attached’
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento