DFA exec sa mga Pinoy: Tourist visa ‘wag gamitin para makapagtrabaho sa SE Asia
DFA exec sa mga Pinoy: Tourist visa ‘wag gamitin para makapagtrabaho sa SE Asia

MANILA, Philippines- Nagbabala ang isang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes sa mga Pilipino na nais magtrabaho sa mga bansa sa Southeast Asia na huwag pumasok sa mga ito gamit ang tourist visas.
“Huwag pupunta doon ng turista na bobolahin kayo ng recruiter na pagdating niyo doon icoconvert sa working visa, hindi po ganoon sa Southeast Asia so red flag na ‘yun,” babala ni DFA Undersecretary Eduardo Jose De Vega sa isang public briefing.
Ito ay kasunod ng naiulat na walong Pilipino na biktima ng human trafficking sa Myanmar.
Nakauwi ang mga Pilipino sa bansa nitong Lunes ng umaga. Kabilang sa mga biktima ang apat na pinagtrabaho bilang online scammers sa crypto currency farms, na nasagip ng Myanmar authorities at ng Philippine Embassy sa Yangon.
Base sa DFA official, hindi lamang sa Myanmar nagaganap ang human trafficking, nangyayari rin ito sa Laos at Cambodia.
“Hindi lang nangyayari sa Myanmar ‘to pati sa Laos, Cambodia and we thank the government for providing assistance to the Philippines,” ani De Vega.
Batay sa mga ulat, pinagpanggap ang mga Pilipino na turista sa Thailand tsaka iligal na dinala sa Myanmar para magtrabahong online scammers.
Inihayag ng mga biktima na inabuso sila at pinagbantaan kapag hindi sumunod sa mga utos. RNT/SA
DFA exec sa mga Pinoy: Tourist visa ‘wag gamitin para makapagtrabaho sa SE Asia
Source: Filipino Pinoys
DFA exec sa mga Pinoy: Tourist visa ‘wag gamitin para makapagtrabaho sa SE Asia
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento