Philippines news
Pinas magpapadala ng team na tutulong sa quake-hit Pinoy sa Syria

MANILA, Philippines- Magpapadala ang Pilipinas ng contingent na binubuo ng anim na tauhan sa Syria para tulungan ang mga Pilipino at iba pang apektado ng malakas na lindol sa bansa, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes.
“May six-man team na pupunta, na Filipino… sa area na ‘yon galing Damascus para bigyan ang anumang kailangan nila na tulong. At least walang casualty doon sa Syria,” pahayag ni Undersecretary Eduardo Jose De Vega sa televised briefing.
Nitong nakaraang linggo ay nagpadala ang Pilipinas ng team ng disaster response specialists at healthcare workers sa Turkey kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama saTurkey at Syria.
Hindi bababa sa dalawang Pilipino ang kumpirmadong patay sa lindol.
Hindi binanggit ni De Vega kung sino ang mga kasama sa six-man team na ipadadala sa Syria.
May kabuuang 248 Pilipino na ang apektado ng lindol sa Turkey, habang halos 60 naman sa Syria, base kay De Vega. RNT/SA
Pinas magpapadala ng team na tutulong sa quake-hit Pinoy sa Syria
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinas magpapadala ng team na tutulong sa quake-hit Pinoy sa Syria
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento