Anak ni Claudine
Anak ni Claudine, pumasok sa negosyo; Pagkukulang ni Raymart, nasilip!

Manila, Philippines – Patunay na maayos ang pagpapalaki ng magulang sa anak is what the child has become.
Ito ang maaaring ikredito kay Claudine Barretto.
Proud mom ang aktres sa kanyang anak na si Sabina dahil at a young age ay marunong na itong dumiskarte sa buhay.
Si Sabina ay adopted daughter nina Claudine at Raymart Santiago who the separated couple treat like their own.
Pagnenegosyo ang pinagkakaabalahan ni Sabina as in selling photocards of popular Korean pop idols.
Ani Claudine in her post: “Sabina is selling photocards of BTS idols. I’m so proud of you!”
Mukha namang Sabina is doing brisk business dahil maraming mga Pinoy–young and old alike–ang naloloko sa mga K pop stars.
Latest craze nga ang anumang activities in which the BTS stars are involved.
Kahit na nga ang mga established nating celebrities go gaga over them.
Kaso, kung paanong pinupuri ng marami ang pagiging enterprising ni Sabina ay hindi maiwasang makaladkad ang pangalan ni Raymart.
Nasaan daw ba ang dapat sana’y financial support ng aktor sa kanyang mga anak kay Claudine including Santino?
Ayon sa mga netizens, hindi raw maiisip ni Sabina na magnegosyo para kumita ng pera kung sinusuportahan ito ni Raymart.
Dati nang pinalagan ni Claudine ang kawalan o kakulangan ng monthly support mula kay Raymart na itinakda ng korte.
Katwiran ni Claudine, may pinagkukunan naman daw si Raymart ng isusustento nito sa mga anak dahil that time ay regular na lumalabas ang aktor sa Ang Probinsyano.
That being the case ay wala raw dahilan si Raymart para hindi magbigay ng financial support para sa kanilang mga anak. Ronnie Carrasco III
Anak ni Claudine, pumasok sa negosyo; Pagkukulang ni Raymart, nasilip!
Source: Filipino Pinoys
Anak ni Claudine
nasilip!
Philippines news
Pinoy Trending
politics
pumasok sa negosyo; Pagkukulang ni Raymart
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento