Mga sakay ng nasiraan na motorbanca iniligtas ng PCG

MANILA, Philippines – Tinulungan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga sakay ng motorbanca na nasiraan sa pagitan ng Carles Island at Gigantes Island sa Iloilo.

Ayon sa ulat ng PCG, sakay ng MBanca Prince and Mae ang 18 pasahero nang maranas ng engine trouble.

Agad namang nakaresponde ang rescue team na binubuo ng mga lokal na residente  sakay ng dalawang bangka at nahanap at tinulongan ang mga pasahero.

Hinila na rin ang nagkaaberyang bangka sa Barangay Lantan para sa pagkulumpuni. Jocelyn Tabangcura-Domenden



Mga sakay ng nasiraan na motorbanca iniligtas ng PCG
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento