Manipis na suplay ng kuryente sa 2023 nakikita ng NGCP
Manipis na suplay ng kuryente sa 2023 nakikita ng NGCP

MANILA, Philippines – Sinabi ng National Grid Corp of the Philippines nitong Biyernes, Enero 13 na mayroong manipis na suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng 2023 o halos pitong buwan ng kabuuang taon.
Ani NCGP spokesperson Cynthia Alabanza, halimbawa na lamang ay sa kabuuan ng Mayo ay maaaring mailagay sa yellow alert at posible pang lumala kung magkakaroon ng hindi inaasahang mga plant outages.
Sa pagtaya ng Department of Energy, posible ang forced outage ng 500-600 MW ngunit batay sa historical data ay may mga pagkakataon kung saan nawalan ng mahigit 4,000MW ng power supply dahil sa emergency shutdown.
Samantala, sinabi rin ng DOE na posibleng magkaroon ng bahagyang pagtaas sa presyo ng gasolina at diesel sa susunod na linggo ngunit hindi pa ito tiyak ng ahensya.
Kung ang pagbabatayan naman ay ang unang apat na trading days, posible ang pagtaas ng P0.15 kada litro sa presyo ng gasolina, P0.05 kada litro sa presyo ng diesel at pagbaba ng P0.49 kada litro sa presyo ng kerosene sa susunod na linggo. RNT/JGC
Manipis na suplay ng kuryente sa 2023 nakikita ng NGCP
Source: Filipino Pinoys
Manipis na suplay ng kuryente sa 2023 nakikita ng NGCP
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento