ibinasura ang MR ni Deniece sa bail grant ni Vhong!
Taguig City RTC, ibinasura ang MR ni Deniece sa bail grant ni Vhong!

Taguig, Philippines – Napa-“Thanks God!” na lang si Vhong Navarro nang makausap ng kanyang abogadong si Atty. Maggie Abraham-Garduque para ipaalam sa kanyang ibinasura ng Taguig City Regional Trial Court ang motion for reconsideration na isinampa ng kampo ni Deniece Cornejo.
Ang nasabing MR ay naglalayong ipawalang-bisa ang bail grant sa TV host-comedian.
Lack of merit ang nakitang dahilan ng hukuman sa pagbasura sa apela ng prosekyusyon.
Ani Garduque: “This is basic procedural requirement to all the pleadings submitted by the prosecutor.”
Wala umanong conformity ito.
Bago rito’y inaasahan na ng kampo ni Vhong na ide-deny ng hukuman ang mosyon dahil nakitaan nila ito ng butas.
Gayunpaman, pinayuhan pa rin ni Garduque ang kanyang kliyente na dagdagan ang dasal nito para tuluyang maipanalo ang kaso.
Nakatakda sa susunod na buwan ang pagdinig ng kaso.
Hiniling din kasi ng kampo ni Vhong na i- inhibit ang presiding judge sa kaso dahil biased umano ito.
Maaring hindi pa ganap ang kaligayahan ni Vhong para magbunyi sa latest development na ito.
Pero umaasa ang kanyang mga pamilya, katrabaho at tagasuporta na maipapanalo ng aktor ang kasong ibinibintang sa kanya.
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung kailan magbabalik si Vhong sa It’s Showtime. Ronnie Carrasco III
Taguig City RTC, ibinasura ang MR ni Deniece sa bail grant ni Vhong!
Source: Filipino Pinoys
ibinasura ang MR ni Deniece sa bail grant ni Vhong!
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
Taguig City RTC
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento