ALAMIN: Mga saradong kalsada sa Lakbayaw 2023 sa Tondo!

MANILA, Philippines – Isasara ang ilang kalsada sa Maynila kaugnay sa Lakbayaw 2023 o ang selebrasyon ng Pista ng Sto. Niño de Tondo sa Sabado, Enero 14 hanggang Linggo, Enero 15 mula alas-12:01 ng madaling araw.

Kabilang sa mga isasarang kalsada ay ang mga sumusunod:

– Kahabaan ng N. Zamora St. mula Moriones St. hanggang Chacon St;

– Kahabaan ng Sta. Maria St. mula Moriones St. hanggang Morga St.

– Kahabaan ng J. Nolasco St. mula Morga St. hanggang N. Zamora St.

– Kahabaan ng Morga St. mula Asuncion St. hanggang Juan Luna St.; Ortega St. mula Asuncion St. hanggang Soliman St.

– Kahabaan ng Lakandula St. mula Asuncion St.hanggang llaya St.

– Kahabaan ng ilaya St. mula Lakandula St. hanggang CM. Recto Ave

– Kahabaan ng Chacon St. mula Cano St. hanggang N. Zamora St. at kahabaan ng Soliman St. mula Morga St. hanggang Ortega St./N.Zamora St.

Kabilang sa mga alternatibong ruta, sa mga sasakyan na gagamit sa J. Nolasco St., patungo sa Tondo Church ay kinakailangang lumiko pakanan sa Morga St., diretso sa Tuazon St., hanggang Wagas St o kakaliwa sa Asuncion St., patungo sa CM Recto Ave., tungo sa destinasyon.

Lahat naman ng sasakyan galing sa Pritil gamit ang N. Zamora St. ay kakaliwa sa Moriones st., hanggang Juan Luna St., tungo sa destinasyon.

Ang mga sasakyan naman gamit ang CM Recto Ave., o Asuncion St. ay kakaliwa sa Lakandula St., tungo sa destinasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden



ALAMIN: Mga saradong kalsada sa Lakbayaw 2023 sa Tondo!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento