P1.7M abandonado, expired na mga produkto sinira ng BOC

MANILA, Philippines – Nasa P1.7 milyon halaga ng mga inabandona at expired na kalakal na dumating sa bansa na pawang mga walang kaukulang dokumento ang sinira ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Enero 6 sa isang pasilidad na matatagpuan sa Trece Martires City sa Cavite.

Sinira ng BOC-NAIA, sa ilalim ng pangangasiwa ng Port’s Auction and Cargo Disposal Division (ACDD), ang mga kalakal gamit ang Thermal Decomposer (Pyrolysis) Facility ng Integrated Waste Management Inc. (IWMI).

Ayon kay District Collector Carmelita Talusan, bukod sa pagpigil sa pagpasok ng mga ipinagbabawal na kalakal, ang pagsira sa mga hindi ligtas at expired na mga produkto ay mahalaga din upang ma-decongest ang mga customs warehouse at makapagbigay ng sapat na espasyo para sa pagdating ng mga kalakal. JAY Reyes



P1.7M abandonado, expired na mga produkto sinira ng BOC
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento