‘Online Martial Law’ kinondena ng KMU

MANILA, Philippines – Kinondena ng labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU) ang biglaang pag-down sa kanilang Facebook page at sa iba pang mga progresibong grupo, at tinawag pa itong “online Martial Law” sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong Marcos.

“Ang pagpapasara ng Facebook sa KMU page ay nagbibigay ng pag-atake sa karapatan ng mga manggagawa sa malayang pamamahayag,” giit ni Elmer Labog, KMU chairperson.

“Ang nangyayari ngayon ay para bang online Martial Law ng rehimeng Marcos Jr.,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Labog na ang Facebook page ng KMU ay permanenteng isinara Huwebes ng umaga nang walang anumang paunang abiso.

Na-lock din ang mga personal na account ng mga administrator at editor ng page dahil sa di-umano’y hindi awtorisadong pag-access.

Isinara rin ang Facebook pages ng Anakbayan at Bagong Alyansang Makabayan, ayon kay Labog.

“Samantala, namayagpag ang mga Facebook page at opisyal na account ng mga indibidwal at institusyon na tahasang nagpapalaganap ng pekeng balita, pagbabaluktot ng kasaysayan, harassment, at pananakot,” ani Labog .

“Walang ginagawa ang Facebook hinggil dito. Sa halip, pinupuntirya ang mga lehitimong organisasyon at samahang nagtataguyod sa kabutihan ng ordinaryong Pilipino,” dagdag pa niya. RNT



‘Online Martial Law’ kinondena ng KMU
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento