Glydel, ipinakulam ng kamag-anak!

Manila, Philippines – Kapwa naniniwala ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado sa tawas.

Ang tawas ay isang paraan ng albularyo para malaman ang sanhi ng karamdaman ng isang tao na posibleng pinakulam ng taong may galit sa kanya.

Bagama’t magaling na raw siya noong November, ibinahagi ni Glydel ang kuwento sa likod ng  ‘di maipaliwanag niyang pangangayayat na nagresulta sa pagbagsak ng kanyang katawan.

Kinailangan daw maospital ng aktres nang tatlong araw para suriin ng kanyang doktor.

Pero ayon sa findings ay wala naman daw diperensya sa kanya.

Kabilang sa ininda ni Glydel ay palpitation, anxiety attacks at fear of food.

Dahil kapwa sila naniniwala ni Tonton sa tawas ay nagpatingin si Glydel sa albularyo.

Sinabihan siya nito na isang kamag-anak daw ang nagpakulam sa kanya.

Worse, that relative of hers wanted the actress to suffer hanggang sa mamatay.

Duda ni Glydel, isang kamag-anak ‘yon na hindi niya natulungan noong nangangailangan ito.

Bale ba, ang ama raw ni Glydel ang siyang tumulong noon sa kamag-anak, pero lumalabas na wala itong utang na loob.

Ang ending: nakarma ang kamag-anak na ‘yon ni Glydel to the point na namatay ito.

Hangga’t maaari raw ay ayaw ni Glydel na mangyari ‘yon sa kamag-anak dahil ang gusto lang niya’y gumaling.

Bumaba kasi hanggang 90lbs ang timbang niya, at tuluyan nang nawalan ng ganang kumain.

Mismong ang albularyong nilapitan ni Glydel ang nagsabing malakas daw ang puwersa at lumalaban ang kamag-anak.

Sa ngayon daw ay fully healed na raw ang aktres. Ronnie Carrasco III



Glydel, ipinakulam ng kamag-anak!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento