DOH nakatutok sa Pista ng Itim na Nazareno

MANILA, Philippines – Nananatiling nakaagapay ang Department of Health (DOH) para sa anumang kailanganing tulong medikal kaugnay sa selebrasyon ng Pista ng Poong Itim na Nazareno ngayong araw, Enero 9.

Ngayong 2023, sinabi ng DOH na whole-of-government at whole-of-society approach ang kanilang ginagawa para sa maayos na pagtaguyod nito.

Ayon kay Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nakadeploy din ang iba’t-iba nilang team mula sa Health Emergency Management Bureau (HEMB) at Field Implementation and Coordination Team (FICT).

Handa rin aniyang rumesponde ang HEMB at FICT sa pamamagitan nang pagkakaroon ng designated quick response area sakaling may mga debotong mangailangan ng serbisyong pangkalusugan.

Katuwang ng DOH ang Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) sa pagsisiguro ng kaligtasan ng ating mga kababayang dumalo sa Traslacion.

Asahan aniyang nakahanda at nakaantabay on the ground ang DOH team para sa anumang health emergency situations. Jocelyn Tabangcura-Domenden



DOH nakatutok sa Pista ng Itim na Nazareno
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento