Anak ni Andrew
Anak ni Andrew, nagdiwang ng kaarawan sa punerarya!

Manila, Philippines- Can a nine-year-old child discern what’s happening around him?
Ito ang curious na tanong ng mga netizen na may halong pagkaawa kay Xander, ang bunsong anak nina Andrew Schimmer at Jho Rovero.
Xander turned nine nu’ng mismong araw ng pagpanaw ni Jho nitong December 20.
Nakuha pang ipagdiwang ng tila inosenteng bata ang kanyang ikasiyam na kaarawan sa punerarya kung saan nakalagak ang mga labi ng ina.
Makikita sa video na nag-blow pa si Xander ng kanyang birthday cake.
Mamamasdan ding hindi siya umaalis sa ataul ng ina at kinakausap ito.
“Mommy, I want you, daddy and ate to be proud of me. I miss you. I wish you’ll come home to be with us. I love you mommy. Hope to see you again.”
Ibinida pa ni Xander ang pangako sa ina na sa kaarawan niya’y mamahagi siya ng pagkain sa mga bata.
Sa kauna-unahang pagkakataon daw ay pumunta si Xander sa isang convenience store at namigay ng noodles sa nakitang bata roon.
“Mommy, I kept my promise,” sabi pa ng birthday boy.
Makikita rin sa video na may isang babaeng yumapos kay Xander habang paikut-ikot sa harap ng kabaong ng ina.
Matatandaang ayon sa kuwento ni Andrew sa vlog interview sa kanya ni Ogie Diaz, bata pa rin daw siya noon when his mother passed away.
Sa kabila ng kanyang panalangin ay kinuha pa rin daw ng Nasa Itaas ang kanyang ina.
“Sabi ko kay Lord, please huwag mo nang kunin si Jho. Kinuha mo na nga ang nanay ko noon,” sabi ni Andrew sa interview noong nabubuhay pa si Jho. Ronnie Carrasco III
Anak ni Andrew, nagdiwang ng kaarawan sa punerarya!
Source: Filipino Pinoys
Anak ni Andrew
nagdiwang ng kaarawan sa punerarya!
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento